Friday, July 19, 2013

poetry of life

SELF DESTRUCTION
ihml20

ako'y isang apoy na naglalakbay
pilit tinatahak ang landas na nakakuyom ang kamay
ngunit sa bawat pagtangis ako'y lumalagablab
at sa bawat poot at hinagpis ako'y nag-alab

sa pagnanais na wakasan ang pait
iwinaksi ko ang apoy na sinibulan ng init
ngunit patuloy na dumadaloy ang apoy na mapamuksa
at bumalik ang mapang-alipin kong pagnanasa

ngayon ay di na mapigilan ang aking pagsiklab
at ang puso ay naabo sa hagupit ng pagliyab
ako ay tuluyang nilamon at tinupok
walang alaalang natira maliban sa usok

No comments:

Post a Comment