Friday, July 19, 2013

poetry of life

KULANG SA ALAM
ihml20

walang gamot sa taong bobo
kung katangahan ang umiiral sa mundo
hay nako, buti pa mawala lahat ng tao
may pag-asa pa naman kaya huwag sumuko

malay mo sa pagtulog managinip ka
na lahat ng gusto mong malaman ay may lohika
'di mo na kailangan pang magtaka
kung bakit di mo naabot ang gusto, kaya nagsaka

hilahin mo na lang ang kalabaw
at sa iba ay huwag magpaapaw
ng kayabangan sa ingles mong hilaw
at baka maubusan ka at bibig mo'y magkalangaw

No comments:

Post a Comment