Ang Engkantadang si Munti
Group 6
Slide 1: Title Page
Slide 2: Introduction of
Characters
Slide 3: Messy room
Kat: hello, ako
si Kat ang batang mahilig magkalat
Slide 4: Broken sticks
Sol: at ako si
Sol, isang batang mahilig mamutol ng kahit ano
Slide 5: Open lights and
faucets
Paz: ako naman si Paz ang batang mahilig
mag-aksaya at magwaldas
Narrator: Silang tatlo ang
magiging pangunahing tauhan sa kwentong ito. Ang mga batang makukulit na palaging
napapalo ang puwet.
Slide 6: enchanted fairy
Munti: ako si
Munti ang engkantadang magbibigay ng aral at leksyon sa lahat.
Slide 7: SPG
Narrator: ang programang
ito ay SPG… Sobra Pong Ganda…patnubay ni sir ay di
kailangan.
Slide 8: garden
Narrator: Isang araw ang
engkantadang si munti ay naglalakad sa kanyang bakuran na puno ng mga tanim na bulaklak at mga namumungang kahoy.
At siya ay napapaligiran ng mga ibon at iba’t ibang uri ng hayop.
Munti: ang sarap
talagang pagmasdan ang isang kapaligiran na malinis at luntian. Sariwa ang
hangin at may naaangkop na katahimikan sa kapaligiran.
Slide 9: park
Narrator: sa kabilang dako
naman. Si Kat, Sol at Paz ay nag-uusap at mukhang may hindi sila gagawing
maganda. Na maaaninag mo sa kanilang mga mukha.
Kat: masyadong
malinis ang parkeng ito, kailangan ko ng umpisan ang oplan magkalat…haha
Sol: tama ka nga
diyan Kat, napakaraming tanim na bulaklak sa lugar na ito at masyadong mayabong
ang mga puno. Mag-eenjoy ako sa pagputol sa kanila… hehehe
Paz: maganda ang
naiisip ninyong dalawa pero mas exciting ang gagawin ko. Papailawin ko lahat ng
ilaw sa parkeng ito at hahayaan kong tumagas ang mga gripo hanggang sa maging
parang karagatan ang buong parke… wahaha
Kat: simulant na natin
Sol: tara na… go, go,
go
Slide 10: dirty park
Narrator: at sinimulan nan
g tatlo ang kanilang misyon na pagkakalat, pag-aaksaya at pagputol-putol ng mga
tanim sa parke.
Paz: ang saya nito
ipagpatuloy lang natin… sige pa
Slide 11: barangay patrol
car
Narrator: biglang dumating
ang patrol car nang barangay at ang mga opisyal nito para sitahin ang mga
makukulit na bata.
Kapitan: kayo talagang tatlo, hindi na
kayo nagtino. Lumapit kayo rito at dadalhin naming kayo sa mga magulang ninyo
at nang mapagsabihan kayo at maturuan ng leksyon.
Slide 12: endless road
Narrator: ngunit imbes na
lumabit ay kumaripas ng pagtakbo ang mga bata. At sa sobrang bilis ay di na
sila nagawang habulin ng mga opisyal ng barangay.
Kapitan: di lang
sila perwesyo sa barangay at sa kalikasan… perwesyo talaga sila sa buhay.
Kalian kay sila matututo.
Slide 13: dark background
Narrator: at nang dahil sa
mabilis na pagtakbo ng mga bata ay nakarating sila sa isang malayong lugar nang
di nila namalayan. At sila ay namangha sa kanilang nakita.
Slide 14: fairy garden
Kat: masyadong maganda ang lugar na ito.
Nakakamangha. Mas maayos ang lugar ay mas makalat ang resulta.
Sol: tama ka
nga. Sisimulan ko na ang pagpitas sa mga bulaklak at pagputol sa mga punong
kahoy.
Paz: tara na, gawin
na ang dapit gawin… sugod na mga kapatid.
Narrator: at sinimulan nan
g mga suwail na bata ang pagsira sa hardin ni engkantadang Munti. At dahil sa ginawa nang mga bata ay
nabulabog ang mga hayop at biglang nagpulasan.
Slide 15: fairy room/
sleeping
Munti: masyado
atang maingay sa labas at parang nabubulabog ang mga alaga kong hayop.
Slide 16: destroyed garden
Narrator: at nagulat si
engkantadang Munti sa kanyang nakita. Magulong hardin, makalat at sira-sira ang
mga halaman. Si munti ay nagpupuyos sag alit at sumabay sa emosyon ni Munti ang
panahon. Dumagundong nang malakas at nagdilim ang kapaligiran.
Slide 17: dark/ thunder and
lightning
Kat: anong
nangyayari
Sol: natatakot ako
Paz: umalis na
tayo rito
Munti: saan kayo
pupunta? Kayong tatlo ang may kagagawan sa pagkasira ng hardin ko at dahil sa
ginawa ninyo paparusahan ko kayo.
Slide 18: dump site/ sunny
place
Narrator: pinarusahan ang
tatlong bata ni Munti at napunta sila sa dimensiyong hindi papangarapin ng
sinuman.
Kat: nasaang lugar
tayo? Masyadong mainit at nakakasulasok ang amoy nang paligid.
Sol: nakakatakot ang lugar na ito…
masyadong tirik ang araw at nauuhaw na ako.
Paz: ang dumi nang
lugar na ito… ang lalaki ng ipis at daga… at ang dami nila… huhuhu
Slide 19: rats/ cockroaches
Kat: hindi ko na kaya, ngayon alam ko nan a
kailangan malinis ang kapaligiran para may sariwang hangin… di na ako
makahinga.
Sol: ang mga puno ay
importante at lahat ng parte nito… dahil sila ang nagbibigay lilim sa ating
mundo… masyado nang mainit ang sikat nang araw at nahihilo na ako…
Paz: nauuhaw na ako
at walang tubig sa lugar na ito. Dapat talagang magtipid sa paggamit nang tubig
at electricidad. Pahingi ng tubig…pakiusap….
KSP ALL: patawad na po… magbabago na po kami…pangako
Narrator: ang tatlong bata
ay nasusumamo kay engkantadang Munti…at
dahil likas sa diwata ang maging mapagpatawad ay nagawa niyang patawarin kaagad
ang mga bata… at mukha naming natutunan na nila ang kanilang leksyon at di na
uulit pa sa mga kasalanang ginawa nila.
Munti: sige,
pinapatawad ko na kayo… at huwag na ninyong uulitin ang mga bagay na nakakasira
sa kalikasan at sa mundo. Dahil kung anong pasakit ang ibinibigay natin sa
kalikasan ay siya ring ibabalik ng kalikasan sa inyo.
Slide 20: 3 kids sleeping
Narrator: Sa isang sulok sa
likod bahay ng mga bata ay nagising ang tatlo sa inaakala nilang panaginip
lang. Ngunit napukaw ang kanilang kamalayan
na di dapat nila ginagawa ang ganuong mga bagay na nakakasira sa
kalikasan… at ng mga sumunod na araw….
Slide 21: 3 kids cleaning
Narrator: Ang tatlong bata
ay tumulong maglinis sa kanilang barangay at sinisiguradong maayos ang lahat
nang bagay at sila ay nagging mapagmahal sa kalikasan… at si engkantadang munti
ay nakangiti habang tinitingnan silang tatlo….
No comments:
Post a Comment